Humarap ngayong araw ang mga kinatawan ng Sonshine Media Network International (SMNI) sa National Telecommunications Commission para sa unang pagdinig kaugnay ng inihaing suspension order sa network.
Partikular ito sa pag-isyu ng NTC ng 30-day suspension order laban sa SMNI.
Ayon sa mga kinatawan ng SMNI na sina Atty. Mark Tolentino at Atty. Rolex Suplico, humiling sila ng karagdagang panahon para makapaghain ng responsive pleading na pinagbigyan naman ng NTC.
Dahil dito, ay maaari pang magsumite ng reply ang SMNI sa show cause order ng NTC hanggang sa January 15
Kaugnay nito, naghain din ng mosyon ang SMNI para mag-inhibit sa kaso sina NTC Commissioner Ella Blanca Lopez, Dep. Com. Jon Paulo Salvahan at Dep. Com. Alvin Bernard Blanco.
Punto ng dalawang abogado, lumalabas kase na ang complainant, piskal at judge ng kaso ay iisa lang kaya dapat anilang mag-inhibit ang mga commissioner ng NTC sa paghawak ng kaso upang masiguro ang due process.
Sakali namang pagbigyan ang mosyon, posibleng opsyon anila ay magtalaga ang Department of Justice ng bagong magdidinig sa kaso. | ulat ni Merry Ann Bastasa