Muling nagwagi ang mga estudyante ng Sarrat National High School (SNHS) mula sa bayan ng Sarrat Ilocos Norte ng International Mathematical competition sa katatapos na laban sa Kuala Lumpur Malaysia na ginanap noong Enero 5-8, 2024.
Ang World International Mathematical Olympiad (WIMO) na sinalihan ng 243 qualifiers mula sa 40,000 competitors ng Thailand International Mathematical Olympiad (TIMO), Hong Kong International Mathematical Olympiad (HKIMO) at Big Bay Bei ay nagwagi ang mga estudyante ng SNHS.
Ang mga nagwagi sa Secondary 1 category ay sina Brian Jansen Vallejo – World Champion at Gold Award, Allen Iver Barroga – Gold Award, Natalie Margaret Balisacn _ Silver Award. Sa Secondary 2 category ay nanalo si Zyrene Angelica Dulluog – Gold Award at sa Senior Secondary ay nakapag-uwi ng Silver Award si Ma. Cassandra Reich Duque.
Maala-alang noong nakaraang taon ay nag-kampeon na naman ang mga nasabing estudyante sa Hongkong International Mathematical Olympiad (HKIMO) at Big Bay Bei at iba pa.
Kaugnay nito, laking pasasalamat ni Dr. Marietta B. Yap, ang Principal ng SNHS sa mga opisyal ng Ilocos Norte sa pangunguna ni Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc at iba pang tumulong sa kanilang mga estudyante para lumahok sa mga international competition. | ulat ni Ronald Valdriz | RP1 Laoag
Photo: M. Malvar