Pinag-iingat ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang mga nagmamaneho ng electronic bicycle o e-bike.
Ito’y matapos ilabas ng MMDA ang kanilang ulat hinggil sa bilang ng mga e-bike na nasangkot sa aksidente mula Enero hanggang Nobyembre ng nakalipas na taon.
Batay sa datos, aabot sa 556 na mga aksidenteng kinasangkutan ng mga e-bike sa nabanggit na panahon kung saan, 2 sa e-bike riders ang nasawi.
Nangunguna sa mga lugar sa Metro Manila na may pinakamataas na naitalang aksidente sa e-bike ay ang Quezon City na may 96, sinundan ito ng Marikina na may 72 at Taguig na may 71.
Sinundan naman ito ng mga Lungsod ng Maynila, Parañaque, Makati, Pasig, Caloocan, Las Piñas, Pasay, Muntinlupa, Mandaluyong, San Juan, Pateros, Valenzuela, Malabon at Navotas. | ulat ni Jaymark Dagala