Nadagdagan pa ang bilang ng mga residenteng apektado ng shear line o ang salubungan ng mainit at malamig na hangin.
Sa pinakahuling tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), as of January 25 ay umakyat pa sa 190,613 pamilya o katumbas ng higit 812,000 indibidwal ang apektado ng sama ng panahon sa tatlong rehiyon kabilang ang Regions 10, 11, at CARAGA.
Kaugnay nito, nabawasan naman sa 169 na pamilya o 509 indibidwal ang nananatili sa itinalagang evacuation centers.
Tuloy-tuloy naman ang buhos ng tulong ng DSWD katuwang ang mga lokal na pamahalaan at NGOs sa mga apektadong residente.
Sa pinakahuling tala ng kagawaran, aabot na rin sa ₱53-million ang naipamahagi nitong relief assistance. | ulat ni Merry Ann Bastasa