Pinangunahan ni Finance Secretary Ralph Recto ang strategic planning efforts sa pagkamit ng P4.3 trillion na revenue target.
Tinalakay ni Recto sa harap ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga istratehiya para palakasin ang tax administration ng bansa, at maabot ang revenue goal na itinakda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para ngayong taong 2024.
Kabilang ito sa agenda ng pulong na isinagawa ni Recto at mga opisyales ng BIR sa Quezon City.
Muling iginiit ng kalihim sa BIR officials ang marching orders ng Pangulo sa ahensya, ang maagap at episyenteng tax administration service.
Tiniyak din ni Recto sa BIR, na magiging maagap ang Department of Finance (DOF) upang aksyuan agad ang mga panukala at programa sa hangaring paghusayin ang pamamahala sa pagbubuwis habang isinusulong ang mga inisyatiba na magpapalago ng ekonomiya.
Para sa taong 2024, nasa P3.05 trillion ang revenue goal ng BIR habang P1 trillion naman sa Bureau of Customs, at P300 billion naman sa Bureau of Treasury. | ulat ni Melany Valdoz Reyes