Sarado na sa daloy ng trapiko ang mga kalsada sa palibot ng Quirino Grandstand para sa Bagong Pilipinas Kick-off Rally na isasagawa ngayong araw.
Pasado alas-10:00 ng umaga sinimulan nang isara ang mga kalsada ng
* Roxas Blvd. mula UN Avenue hanggang P. Burgos Ave.
* magkabilang bahagi ng T.M. Kalaw mula Roxas Blvd. hanggang Taft Ave.
* magkabilang bahagi ng P. Burgos Avenue at Finance Road
* Ma. Orosa Street
* Bonifacio Drive – mula Anda Circle hanggang P. Burgos Ave.
Mahigpit ang mga kawani Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at hinahanapan ng car pass ang mga sasakyang papasok ng Grandstand.
Kung walang car pass. hindi na maipapasok o mailalapit kung may mga dalang sasakyan.
Kaya naman karamihan sa mga dumadalo ngayon ay naglalakad na lamang papunta sa Quirino Grounds.
Gayundin ang mga empleyado ng iba’t ibang lokal na pamahalaan mula NCR at mga kalapit lalawigan naglalakad na rin papunta ng Bagong Pilipinas Kick-off Rally.
May mga naitalaga namang mga kalapit na kalsada kung saan maaaring mag-parking ang mga may dalang sasakyan.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga nais makilahok dito sa Bagong Pilipinas Kick-off Rally sa Quirino Grandstand at karamihan sa kanila ay excited sa mga inaasahan na performances mula sa samu’t saring artists at performers habang ang ilan ay sinamantala ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair para i-avail ang mga iba’t ibang serbisyo mula sa mga ahensya ng pamahalaan. | ulat ni EJ Lazaro