Muling hiniling ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Atty. Hernando Cabrera ang tulong at kooperasyon ng lahat ng kawani ng ahensya sa unang araw ng pagbabalik-trabaho ngayong araw, January 2.
Sa pinaka-unang flag-raising ceremony ngayong 2024, binigyang diin ni Cabrera ang pagsunod sa hinihinging compliances ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan pagdating sa pagseserbisyo sa publiko.
Ayon kay Cabrera, pakiusap niya sa lahat ng mga kawani ng LRTA na maging competent ngayong 2024 at sa susunod pang taon.
Kabilang sa mga tututukan ng LRTA ngayong taon ang pagbuo ng compliance office at pagtalima sa Occupational Safety and Health (OSH) Protocols ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Civil Service Commission (CSC).
Ito ay upang walang makaligtaang reports ang LRTA at mapangalagaan ang kaligtagtasan at kalusugan ng bawat kawani ng ahensya.| ulat ni Diane Lear