Asahan na ang malalaking pagbabago sa sektor ng transportasyon sa bansa sa ilalim ng Bagong Pilipinas.
Ito ang tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) bilang tugon na rin sa hamon ng Bagong Pilipinas na mailapit ang serbisyo ng pamahalaan sa taumbayan.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, patuloy nilang isusulong sa DOTr ang modernisasyon sa lahat ng pampublikong transportasyon, mapa-lupa, tubig, at himpapawid.
Kabilang na rito ani Bautista ang PUV Modernization Program para sa pagbibigay ng maayos, ligtas, at murang travel experience ng mga Pilipino.
Maliban sa modernisasyon sa public utility vehicles, tiniyak din ni Bautista na kanilang pagsusumikapang matapos ang mga infrastructure project ng administrasyong Marcos Jr. | ulat ni Jaymark Dagala