Welcome para sa House Committee on Basic Education and Culture ang anunsyo ng DEPED at maging ng CHED na sasagutin nila ang voucher ng mga senior highschool student na magpapatuloy sa Grades 11 at 12 ngayong school year.
Ito ay kasunod na rin ng ipinatawag na briefing ng komite ukol na inilabas na kautusan ng CHED na nagpapahinto sa SHS program sa mga state at local universities and colleges.
Dito nilinaw ni CHED chair Prospero de Vera na makailang ulit na silang naglabas ng ganitong kautusan bilang paalala sa mga SUCs at LUCs, lalo na yung mga hindi naman accredited na magbigay ng SHS program na huwag nang magbukas ng SHS program dahil tapos na transition period noong pang 2021.
Ayon kay DEPED Usec. Michael Poa, sasagutin na nila ang gastos ng nasa 17,751 SHS students na nasa Grades 11 ngayong school year hanggang sa matapos nila ang kanilang Grade 12.
Sinabi rin ni De Vera na may ilang SUCs na na nagdesisyong pondohan ang SHS program kahit wala nang voucher mula DEPED upang makatapos lamang ang mga kasalukuyang estudyante ng SHS.| ulat ni Kathleen Forbes