Nakapaghatid na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development sa mga mangingisdang naapektuhan ng gale warning sa Bicol region partikular sa Camarines Norte.
Sa pamamagitan ng DSWD Field Office V, aabot sa 833 Family Food Packs ang naihatid sa mga mangingisda sa Barangay Polunguit at Kagtalaba sa Santa Elena, Camarines Norte.
Kaugnay nito, patuloy rin ang ginagawang koordinasyon ng DSWD sa mga LGU para i-assess ang sitwasyon ng mga apektadong mangingisda at madetermina ang maaari pang relief augmentation.
Ayon sa DSWD, may nakahanda pa itong higit 138,012 FFPs at 31,444 non-food relief items na naka-preposisyon sa mga warehouse sa Bicol Region. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📸: DSWD