Tuloy-tuloy pa rin ang dating ng mga pasahero sa terminal ng Victory Liner sa Cubao na nagsisiuwian na matapos ang holiday break.
Kasama na rito ang mga pasaherong nagsibakasyon sa Metro Manila at ngayon ay pabalik na sa probinsya.
Kapansin-pansin namang halos 15 minuto lang ang pagitan ng mga bus na dumadating sa terminal bitbit naman ang mga pasaherong sa probinsya nagdiwang ng Pasko at Bagong Taon.
Ang ilang pasaherong nakausap ng RP1 team, naka-leave pa raw ngayong araw para makapagpahinga muna bago sumabak muli sa tranaho.
Dahil maraming pasahero, maya’t maya rin ang dating sa terminal ng mga taxi.
Mahigpit naman ang ipinatutupad na seguridad ng terminal na hindi pinatatambay ng matagal ang mga taxi nang hindi rin magdulot ng trapiko sa lugar. | ulat ni Merry Ann Bastasa