Mula sa dating lima, nag-iisa na lamang ngayon ang nagtitinda ng isdang Tamban sa Agora Market sa San Juan City ngayong araw.
Ito’y dahil sa matumal na suplay nito na siyang dahilan naman para tumaas ang presyo nito.
Ang presyo ng Tamban, mula sa dating ₱80 ay sumirit na ito sa ₱120 ang kada kilo.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, bukas pa rin naman ang iba pang nagtitinda ng isda.
Ang Galunggong ay mabibili sa halagang ₱240 kada kilo gayundin ang Bangus na dating ₱220.
Habang ang isdang Tawilis ay mabibili naman sa halagang ₱160 ang kada kilo
Una rito, inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) at mga manufacturer ang planong gumawa ng abot-kayang sardinas gaya ng sa kilalang Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal.
Ito’y makaraang aprubahan ng DTI ang hirit na taas-presyo sa ilang kilalang brand ng sardinas. | ulat ni Jaymark Dagala