Ginawaran ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng mga campaign streamer ang mga natatanging unit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Year-End Command Conference na isinagawa kahapon sa AFP Headquarters sa Camp Aguinaldo.
Ang parangal ay bilang pagkilala sa matagumpay na pagbuwag ng iba’t ibang New People’s Army Guerilla Front sa nasasakupan ng mga naturang unit, na malaking ambag sa “overall victory” laban sa mga teroristang komunista.
Kabilang sa mga pinarangalan ang Joint Task Force (JTF) TALA; mga unit ng Philippine Army 303 Brigade (Bde) ng 3rd Infantry Division (ID); 502Bde at 503Bde ng 5ID; 702Bde ng 7ID; 801Bde ng 8ID; 54 Infantry Battalion (IB) ng 5ID; 94IB ng 3ID; 3IB ng 7ID; 5th Special Forces Battalion (SFBn), at 1st Mechanized Brigade (MechBde) ng 6ID.
Sa ngayon ay wala nang aktibong Guerilla Front ang NPA at 11 na lang ang kanilang nalalabing napahinang Guerilla Front. | ulat ni Leo Sarne