Magkatuwang na namahagi ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Malabon City Social Welfare at Development Department sa mga pamilyang nasunugan sa Barangay Panghulo.
Ayon sa Malabon City LGU, bawat pamilya ay nakatanggap ng hygiene kit, sleeping kit, kitchen kit, relief supplies, at family food packs.
Ang pamamahagi ay pinangunahan nina Malabon City Mayor Jeannie Sandoval at DSWD OIC Chief Disaster Response Management Division, Benjie Barbosa na ginanap sa Panghulo Multi-Purpose Hall ngayong araw.
Bawat pamilya ay nakatanggap din ng Php 5,000 na tulong pinansyal mula sa lokal na pamahalaan upang matulungan silang makabangon muli.
Batay sa tala ng Malabon City Social Welfare at Development Department, nasa pitong kabahayan na may 13 pamilya at isang indibidwal ang kabuuang bilang ng mga nasunugan nitong bagong taon.| ulat ni Rey Ferrer