Ramdam na muli ng mga commuter ang morning rush hour ngayong balik trabaho na ang karamihan matapos ang holiday break.
Sa bahagi ng Philcoa, may ilang jeep ang mabilis na napupuno dahil sa mga pasaherong nagmamadali na naman pumasok sa trabaho.
May mga pampasaherong jeep din na gaya ng biyaheng Quiapo ang hindi pa marami ang bumibiyahe kaya ang ilang pasahero ay sumasakay na lang ng bus.
Madalang naman ang dating din ng taxi kaya may bahagyang pila ng mga pasahero.
Nakaagapay naman ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tumutulong sa pagpara ng masasakyang PUV at pinasasakay ang mga pasaherong nakaabang. | ulat ni Merry Ann Bastasa