Mga Pinoy mula sa Israel na nag-avail ng voluntary repatriation, umabot na sa 460, ayon sa DMW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) na umabot na sa 463 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Israel ang nakapag-avail na ng voluntary repatriation program ng pamahalaan.

Ito’y sa gitna ng patuloy na labanan sa pagitan ng Israel at Hamas militants.

Ayon kay DMW Undersecretary Patricia Yvonne Caunan, lahat ay nakauwi ng bansa at nakatanggap na ng ayuda mula sa DMW, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Batay sa ulat, humigit-kumulang 30,000 Pinoy ang nasa Israel na karamihan ay nagtatrabaho bilang caregivers at hotel workers.

Sinabi pa ni Caunan, sa  ilalim ng voluntary repatriation program, sino man ang may gustong umuwi ng Pilipinas ay tutulungan ng DMW.

Samantala, nasa kabuuang 146 na OFWs naman mula sa bansang Lebanon ang nakapag-avail na rin ng voluntary repatriation. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us