Umaabot na sa 237.3 Megawatt (MW) ang naisusuplay na kuryente ng mga power plant sa Panay, ayon yan sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Batay sa pinakahuli nitong restoration update ay nasa 21.9 MW rin ang nagmumula sa ibang planta sa Visayas, para sa kabuuang 259.2 MW.
Samantala, iniulat ng NGCP na bandang ala-1:33 kaninang madaling araw ay nakakonekta na rin sa Panay Grid ang Palm Concepcion Power Corporation (PCPC) na may bitbit na in 135 MW.
Ayon sa NGCP, inaasahan nitong aabot na sa full capacity ang PCPC ngayong araw.
Patuloy rin aniya itong nakatutok sa sitwasyon para unti-unti nang maibalik ang kuryente sa ilan pang apektadong lugar.
“NGCP is monitoring the situation and balancing generation addition with the gradual restoration of remaining affected loads. Load restoration will be done conservatively, by matching loads to restored generation, to prevent repeated voltage failure,” paliwanag ng NGCP. | ulat ni Merry Ann Bastasa