Nangako ang Department of Education (DepEd) na patuloy nilang susuportahan ang mga adhikain ng administrasyong Marcos Jr. para labanan ang kahirapan at pahusayin pa ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Ito ang iginiit ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa kaniyang pagdalo sa Bagong Pilipinas Kick-Off Rally kahapon.
Ayon sa Pangalawang Pangulo, nakaangkla ang mga programa ng MATATAG Agenda sa mga layunin ng Bagong Pilipinas at kabilang na rito ang marahang pagpapatupad ng K-to-10 Curriculum sa susunod na taon.
Sa ilalim ng MATATAG agenda, nirepaso ang bagong Basic Education Curriculum at binawasan ng ilang asignatura para mas pagtuunan ang pagpapaunlad sa foundational skills ng mga bata.
Nakapaloob din dito ang pinalakas na pagtuturo sa mga bata ng values and character development.
Matatandang pinangunahan kahapon ni VP Sara ang delegasyon ng DepEd sa kick-off rally ng Bagong Pilipinas sa Quirino Grandstand sa Lungsod ng Maynila. | ulat ni Jaymark Dagala