Mga sakahang ‘di abot ng irigasyon,bibigyan ng water pumps ng NIA bilang tugon sa epekto ng El Niño

Facebook
Twitter
LinkedIn

Panibagong tulong ang ipinaabot ng pamunuan ng National Irrigation Administration (NIA) sa grupo ng mga magsasaka sa bayan ng Bayambang, Pangasinan.

Ito ay bahagi ng mitigating measure ng NIA sa epekto ng El Nino Phenomenon na ramdam na ng maraming magsasaka lalo na sa mga sa Central Pangasinan na hindi na abot ng patubig mula sa irigasyon.

Sampung water pumps na nagkakahalaga ng P270,000 ang ipinamahagi ng ahensya sa mga Farmer Association mula sa sampung barangay ng Bayambang.

Kinabibilangan ito ng Amancosiling Norte at Sur, Bical Norte at Sur, Buayaen, Dusoc, Pangdel, Sancagulis, Tanolong, at Tatarac.

Ito ay sa pakikipag-ugnayan ng NIA sa Agriculture Office at Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT).

Nanguna ang Municipal Agriculture Office (MAO) sa pagkuha sa mga makinarya na nakatakdang ipamahagi sa mga lokal na magsasaka. | via Sarah Cayabyab | RP1 Dagupan

📷 LGU Bayambang

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us