Mga senador, nagkaisa para tutulan ang people’s initiative

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinutulan ng mga senador ang gumugulong na people’s initiative (PI) para amyendahan ang Saligang Batas ng Pilipinas, sa pamamagitan ng constituent assembly kung saan bobotong magkasama ang Senado at Kamara.

Nagkakaisang pinirmahan ng lahat ng mga senador ang isang manifesto na nagpapahayag ng kanilang pagtutol sa PI.

Ang manifesto na ito ang naging bunga ng caucus ng senador nitong Lunes.

Una nang sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na nawawalan na ng interes ang ilang mga senador sa pagsusulong ng charter change dahil sa nangyayaring people’s initiative.

Nanawagan na rin si Villanueva sa Commission on Elections (Comelec), na i-invalidate ang mga pirma para sa PI at sinabing handa silang tumulong na magpakita ng mga ebidensyang magpapatunay na marami sa mga pumirma sa people’s initiative ay hindi alam ang kanilang pinipirmahan habang ang ilan ay napilitan at nasuhulang pumirma.

Nanawagan na rin si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa mga Pilipinong napilitang pumirma para sa petisyon sa PI na magsumbong.

Nangako si dela Rosa sa mga ito na tutulungan silang mapanagot ang mga nang-aabuso sa kanilang karapatan. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us