Nangunguna ang mga opisina at kawani ng gobyerno sa pagtitipid ng enerhiya upang makiisa sa energy conservation sa ating bansa.
Ayon sa Department of Energy (DOE) nasa 1,085 na opisina ang dumaan sa spot-check at 938 naman na opisina ang dumaan sa energy audit noong nakaraang taon.
Mula dito ay nakapagtala ng P300 million na savings ang mga opisina ng gobyerno.
Tinatayang aabot sa P2 billion ang matitipid ng pamahalaan kung ang lahat ng opisina ay magiging mas energy efficient, alinsunod sa mas pinatatag na implementasayon ng Government Energy Management Program (GEMP) sa ilalim ng AO 15.
Target ng GEMP na bawasan ang konsumo ng kuryente at gasolina sa lahat ng opisina ng gobyerno nang hindi bababa sa 10 porsiyento, sa pamamagitan ng mga estratehiya sa Energy Efficiency and Conservation (EEC) tulad ng paglipat sa mga light-emitting diode (LED) lamp, inverter-type na air conditioner, at iba pang teknolohiyang matipid sa enerhiya.
Ang regular na mga pag-audit ng enerhiya at mga spot check ay nagpapataas ng kamalayan ng mga tanggapan ng gobyerno, na nag-udyok sa kanila na magtipid sa paggamit ng nakokonsumong kuryente at gasolina sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga paggasta sa mga serbisyo ng gasolina at kuryente. | ulat ni AJ Ignacio