Pinalalahanan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang PCSO sa kahalagahan ng public trust sa public office.
Kasunod ito ng pagdududa sa mga nananalo sa state lottery matapos mag-viral ang isang litrato ng nanalong lotto bettor na edited pala.
Ayon kay Barbers, hindi naman kasi kailangan isapubliko pa ang larawan ng nananalong mga bettor ngunit sa kagustuhan umano ni PCSO General Managel Mel Robles na pasinungalingan ang isyu na dinadaya lang ang laro ay gumamit pa ito ng artificial intelligence
Ngunit nag-backfire naman aniya ang hakbang na ito dahil mas lalo pang kinuwestyon kung totoo nga ba ang mga personalidad na nananalo sa lotto.
Dahil dito, mas mainam aniya na magbitiw na lang ang general manager sa kaniyang pwesto.
“Instead of allaying those fears and rumors of fake winners, he succeeded in creating a conflagration. What used to be confined to the “Maritesses” is now a full blown scandal exploding in his face that nothing less than his removal as GM or resignation could put the fire out”, sabi ni Barbers.
Dagdag pa ni Barbers, hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot ang PCSO sa anomalya sa pagkapanalo sa ilalim ni Robles.
Noong 2022, nakuwestyon ang pagkapanalo ng 433 bettors sa P236 million October 1 lotto draw. | ulat ni Kathleen Jean Forbes