Inihayag ni House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon Representative Bernadette Herrera ang kaniyang pagsuporta sa Bagong Pilipinas campaign ng administrasyon.
Isa si Herrera sa may 100 mambabatas na dumalo sa kick off rally ng kampanya na pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa Quirino Grandstand.
Ayon kay Herrera, naniniwala siya na ang hangarin ng Bagong Pilipinas ay kayang tawirin ang pagkakaiba sa paniniwalang politikal.
Panawagan kasi aniya ng Bagong Pilipinas ang pagkakaisa para maisulong ang isang mas magandang kinabukasan ng bansa para sa lahat ng Pilipino.
“The emphasis on genuine development, inclusivity, and the call for transformation align with our collective aspirations for a stronger and more prosperous Philippines. As Deputy Minority Leader, I am fully committed to supporting policies and initiatives that prioritize the well-being of our citizens and contribute to the nation’s progress,” sabi ni Herrera.
Katunayan sa mismong talumpati ng Pangulong Marcos Jr., kaniyang sinabi na hindi isang partisan coalition o political gameplan ang Bagong Pilipinas movement bagkus ay isang master plan para sa tunay na pag-unlad at pagbabago.
“Bagong Pilipinas is a call for transformation: the transformation of our idea of being a Filipino, and the transformation of our economy, governance, and society,” ani PBBM. | ulat ni Kathleen Jean Forbes