Handa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa nakakasang “kilos-protesta” ng mga transport group na MANIBELA at PISTON bukas, Enero 16.
Ayon kay MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes, bagaman wala naman silang inaasahang malaking epekto sa kilos protesta may mga naka-standby pa rin silang mga sasakyan para magbigay ng libreng sakay.
Gayunman, dahil walang tigil-pasada na mangyayari ay posibleng kakaunting ruta lamang ang maapektuhan nito subalit handa pa rin silang umalalay sa sandaling kailanganin.
Giit pa ng MMDA Chief, iginagalang naman ng pamahalaan ang kalayaan sa pamamahayag ng sinuman sa mga nasa sektor ng transportasyon subalit kailangang isaalang-alang ng mga ito ang kapakanan ng mas nakararami. | ulat ni Jaymark Dagala