MMDA, hinimok ang publiko na makiisa sa “Recyclables Mo, Palit Grocery Ko” project ng ahensya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mas pinadali at mas marami na ang maaaring ipalit na grocery sa basura sa “Recyclables Mo, Palit Grocery Ko” project ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa MMDA, ang mga nareresiklo gaya ng karton na ang isang kilo ay katumbas ng 6 puntos noon, ay pwede nang ipalit sa MMDA Mobile Materials Recovery Facility para sa 2.5 puntos.

Mas maraming grocery items na rin ang pwedeng pagpilian gaya ng bleach, shampoo, sabong panlaba, panligo, at mga inumin.

Ang Mobile Materials Recovery Facility at Recyclables Mo, Palit Grocery Ko program ay ilan sa inisyatiba ng MMDA sa ilalim ng Metro Manila Flood Management Project.

Layon nitong turuan ang publiko ng tamang pamamahala sa basura at mabawasan ang mga solid waste sa mga daluyang tubig.

Para sa karagdagan impormasyon kung paano sumali sa programa, maaaring bisitahin ang Facebook page ng MMDA. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us