Pinag-iingat ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang publiko laban sa isang social media page na gumagamit ng kanilang logo.
Ayon sa MMDA, hindi konektado sa kanila ang naturang facebook page at walang kinalaman ang ahensya sa lahat ng post, mensahe, transaksyon o anumang komunikasyon mula sa mga nasa likod nito.
Maaari lamang makipag-ugnayan ang publiko sa mga lehitimong social media page ng MMDA, hanpin ang blue check mark bilang katibayan na ito ang tunay at nag-iisang account ng ahensya.
Maaari ring tumawag sa MMDA Hotline 136 para ipaabot ang anumang katanungan, sumbong o reklamo. | ulat ni Jaymark Dagala