Maaga pa lang ay nagpa-abiso na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) hinggil sa isasagawa nilang traffic re-routing plan sa paligid ng Quirino Grandstand sa Lungsod ng Maynila.
Ito’y para sa isasagawang kick-off rally ng Administrasyong Marcos para sa Bagong Pilipinas sa darating na Linggo, Enero 28.
Mula alas-10 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi, sarado ang mga sumusunod na lansangan:
· Roxas Blvd. mula UN Avenue patungong P. Burgos Ave.
· Magkabilang lane ng TM Kalaw – mula Roxas Blvd. hanggang Taft Ave.
· Magkabilang lane ng P. Burgos Avenue at Finance Road
· Ma. Orosa Street
· Bonifacio Drive – mula Anda Circle patungong P. Burgos Ave.
Dahil dito, pinapayuhan ng MMDA ang mga motorista na iwasan munang dumaan sa mga lansangan patungong Rizal Park at sa halip ay kunin muna ang mga alternatibong ruta. | ulat ni Jaymark Dagala