Nakatanggap ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga kagamitan mula sa Motorcycle ride-hailing firm na JoyRide.
Ito ay para sa mga miyembro ng Special Operations Group-Strike Force at Motorcycle Riding Academy ng ahensya na makatutulong sa paggampan ng kanilang tungkulin.
Kabilang sa mga ipinamahagi ay bags, rain coats, rain boots, at uniforms.
Ang donasyon ay tinanggap sa pangunguna ni MMDA General Manager Undersecretary Procopio Lipana kasama ang iba pang opisyal ng ahensya.
Dumalo rin sa turnover rites ang mga opisyal ng naturang ride-hailing firm.
Samantala, napag-usapan ng MMDA at Joyride ang posibilidad ng paggamit ng certificate ng mga rider na sumailalim at nakumpleto ang training sa Motorcycle Riding Academy para makapag-apply sa naturang ride-hailing firm.| ulat ni Diane Lear