Kabuuang 25.52 truckloads ng basura ang nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority mula sa mga piling lugar sa 17 local government units sa Metro Manila.
Bahagi ang MMDA sa inter-agency cleanup drive na KALINISAN (Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan) sa Bagong Pilipinas na pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government.
Bukod sa kick-off ceremony na ginanap sa Baseco Compound sa Tondo, Maynila, nagsagawa ang MMDA ng 16 pang cleanup drive sa iba’t ibang lokasyon bawat lungsod sa Metro Manila.
Sinabi ni MMDA Acting Chairman Don Artes, malaking tulong sa solid waste management initiatives ng MMDA ang nasabing programa.
Kasabay ng pagdiriwang ng Annual Community Development Day, ang KALINISAN program ay isang convergence initiative upang pagsama-samahin ang lahat ng pagsisikap ng gobyerno na mapanatili at magbigay ng isang malusog at ligtas na kapaligiran. | ulat ni Rey Ferrer