Ikinalugod ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang naging desisyon ni Department of Agriculture (DA) Secretary Kiko Laurel Jr. na magpatupad ng moratorium sa pag-aangkat ng sibuyas.
Kasunod ito ng pagbagsak ng farmgate price sa sibuyas na nakakaapekto na sa ilang magsasaka.
Ayon kay SINAG Executive Director Jayson Cainglet, makatutulong ang polisiyang ito upang hindi lubusang malugi ang mga local producer.
“In the agri sector, policies must be timely, appropriate and prompt to reflect the prevailing conditions at the farm level.”
Kaugnay nito, umaasa naman ang SINAG na magkaroon din ng kaparehong pro-local farmer policy sa iba pang agri commodities, partikular na ang manok.
Ayon kay Cainglet, umaaray na rin ang maraming poultry farmers sa pagbagsak ng farmgate prices at pagbuhos ng imported chicken.
Hindi rin aniya ramdam ng consumers ang pagbaba ng farmgate prices dahil nananatiling mataas ang presyo ng manok sa mga pamilihan.
Dahil dito, handa aniya ang lokal na industriyang makipag-ugnayan sa Department of Agriculture para matugunan din ang isyung ito.
“As a policy, the local agri industry no problems with imports if there limited or problems with supply and; as long as importers declare the right value of imports and pay the right duties.” | ulat ni Merry Ann Bastasa