Ibinasura ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang motion for reconsideration na isinumite ng Sonshine Media Network International o SMNI kaugnay sa suspension ng nasabing network.
Matatandaang noong Disyembre ay nag-issue ng 14-day preventive suspension ang MTRCB sa programa ng SMNI na “Gikan sa Masa, Para sa Masa” at “Laban Kasama ang Bayan”.
Umapela ang SMNI noong ika-11 ng Enero.
Sa inilabas na pahayag ng MTRCB, hindi nakumbinsi ang ahensya sa apela ng SMNI.
Maliban sa pagbasura ng MTRCB, sinuspinde rin ng National Telecommunications Commission (NTC) ang operasyon ng telebisyon at radyo ng nasabing network. | ulat ni Diane Lear