Muling nanawagan ang labor rights union, women rights groups and allied companies kasama ang House Committee on Women and Gender Equality sa Kongreso na ipasa ang equality bill.
Layon ng HB 4982 o Equality Bill na protektahan ang lahat na Pilipino laban sa diskriminasyon base sa sexual orientation, gender identity and expression.
Ayon sa samahang PANTAY, isang registered youth led grp na naglolobby for community advocating for gender transformation legislation, suportado ng Embassy of Canada sa ilalim ng equality allies ang mga aktibidad ng grupo upang ipaliwanag sa publiko ang equality bill at kung papaano magbebenepisyo ang lahat ng sector dito.
Welcome naman kay Bataan 1st District Rep Geraldine Roman ang aksyon ng grupo para sa pagpasa ng naturang batas.
Ayon kay Roman, ang suporta mula sa iba’t ibang grupo ay nagpapakita ng pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino upang mawakasan ang takot at diskriminasyon sa bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes