Nagsagawa ng pulong ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa pangunguna ng Office of the Undersecretary for Legislative Affairs sa tanggapan nito sa Mega Tower sa Mandaluyong City.
Sumentro ang talakayan sa Open Access Policy at Competition-Enhancing Spectrum Policies na layong tiyakin ang mura at accessible na internet para sa mga Pilipino.
Ayon sa NEDA, ang Open Access in Data Transmission Bill ay bahagi ng Common Legislative Agenda ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
Layon nitong alisin ang legislative franchise requirement sa telecommunication at broadband players upang sila ay makapagtayo ng sariling network at magkaroon ng acess sa iba’t ibang spectrum sources ng bansa.
Kabilang naman sa mga dumalo sa pulong sina NEDA Secretary Arsenio Balisacan, NEDA Undersecretary Krystal Lyn Uy, at iba pang kinatawan ng NEDA. | ulat ni Diane Lear