Nasa 80,000 housing units ang naipagawang bahay ng gobyerno noong isang taon.
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng groundbreaking ng Ciudad Kaunlaran Housing Project Phase 2 at turn over ng may 360 housing units sa Barangay Molino 2, Bacoor Cavite.
Ayon sa Chief Executive, magiging tuloy- tuloy ang pagpapagawa ng pamahalaan ng bahay para sa mga Pilipino sa ilalim ng “Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing” Program.
Idinagdag ng Chief Executive na nakapamahagi rin aniya ang NHA ng ₱700 million emergency housing assistance program para sa 50,000 pamilya na naapektuhan ng kalamidad tulad ng sunog, baha, lindol at bagyo.
Binigyang diin rin ng Pangulo na ang mga tahanang ginagawa ng gobyerno ay simbolo ng kaniyang unang pangako sa mga Pilipino na maiangat ang antas ng pamumuhay sa pamamagitan ng bagong bahay tungo sa bagong buhay. | ulat ni Alvin Baltazar