Nakamit na 60% satisfaction rating ng 4Ps, welcome sa DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang naging resulta ng Ulat ng Bayan survey kung saan umani ng 62% satisfaction rating ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng ahensya.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez, malaking bagay para sa ahensya ang patuloy na tiwala ng sambayanang Pilipino sa national flagship anti-poverty program ng gobyerno.

“We are grateful for the continuing trust of our kababayans to the 4Ps as the national flagship anti-poverty program of the government,” pahayag ni Asec. Lopez.

Sa survey ng Pulse Asia Research Inc na isinagawa noong Dec. 3-7, 2023, pinakamataas ang satisfaction rating ng 4Ps sa Mindanao na sinundan ng NCR at Balance Luzon.

Samantala, tinukoy naman ni Lopez na isa sa maituturing pang tagumpay ng 4Ps noong nakaraang taon ang pag-exit ng 674,452 household-beneficiaries sa programa.

Nangangahulugan itong nakamit na nila ang self-sufficiency o antas kung saan hindi na sila maituturing na mahirap.

“We vow to continue to reach such feat this year through our continuous delivery of quality and efficient service to the Filipino people,” ani Asec. Lopez.

Ang 4Ps program ng ahensya ang nagbibigay ng conditional financial assistance sa may 4.4 milyong household-beneficiaries, upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at mapaganda ang kanilang buhay. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us