Naniniwala ang Land Transportation Office (LTO) na mababawasan ang mga malalagim na aksidente sa daan kung maipatutupad na ng lubusan ang PUV Modernization Program.
Kasunod ito ng nangyaring aksidente sa jeep noong January 19 sa Nagcarlan, Laguna na ikinasawi ng dalawang pasahero kabilang ang isang dalawang taong gulang na bata.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, hindi ito ang unang insidente ng mga malagim na trahedya sa kalsada na kinasangkutan ng mga lumang pampublikong sasakyan.
Kung hindi aniya kikilos ang pamahalaan at iuurong pa ang pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), posibleng maulit lang ang ganitong trahedya.
Punto ni Asec. Mendoza, sa pamamagitan ng PUV Modernization Program, makatitiyak ang commuters sa isang mas kumportable at mas ligtas na transportasyon.
“The government’s goal of reducing unnecessary deaths and injuries due to road accidents includes a shift to a safer, comfortable, convenient and sustainable modernized public transportation under the PUV Modernization Program,” pahayag ni Asec. Mendoza. | ulat ni Merry Ann Bastasa