Kinalampag ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senadora Grace Poe ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), mga pribadong kumpanya at iba pang concerned agencies na paspasan ang pagsusumikap na matugunan ang rotational blackout sa Western Visayas.
Ayon kay Poe, dapat matukoy at tugunan ang ugat ng problema, ito man ay sa supply, generation o transmission side, para hindi na maulit ang mga naranasang pagkawala ng kuryente.
Binigyang diin ng senadora na hindi pa nga natatapos ang imbestigasyon sa nakaraang blackout at hindi pa napapanagot ang mga responsable, ay meron na namang outage.
Hindi aniya dapat makasanayan o makaugalian ng mga residente ang rolling blackouts.
Ito lalo na’t apektado ang mga kabahayan, paaralan, negosyo, at opisina ng gobyerno sa sitwasyon. | ulat ni Nimfa Asuncion