Umabot na sa 14 ang natalang patay sa epekto ng shear line sa Davao Region nitong nakaraang linggo.
Sa impormasyon na inilabas ng Office of the Civil Defense 11 (OCD-11), ang nasabing bilang ay mula sa mga insidente ng landslide sa probinsya ng Davao de Oro at Davao City.
Sa nasabing bilang sa Davao de Oro 11 ay mula sa nangyaring landslide sa bayan ng Monkayo kung saan galing isang pamilya ang namatay habang isa naman sa bayan ng Maragusan.
Nagtala din ng dalawang patay sa Davao City dahil din sa pagguho ng lupa dala ng malakas na buhos ng ulan.
Samantala, nagtala naman ng limang sugatan ang rehiyon kung saan apat dito ay mula sa nangyaring landslide sa mga bayan ng Monkayo at Pantukan habang isa naman dahil sa pagbaha sa bayan ng Maragusan lahat galing sa lalawigan ng Davao de Oro. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao
📸 Municipality of Monkayo