Nagpulong ngayong araw ang National Price Coordinating Council sa pangunguna ng Department of Trade and Industry (DTI).
Pinangunahan ni DTI Consumer Protection Group Undersecretary Mary Jean Pacheco ang naturang pagpupulong at dumalo din si Trade Secretary Alfredo Pascual bilang chairperson ng lupon.
Dito, tinalakay ang mga hakbang ng pamahalaan para tugunan ang tumataas na presyo ng ilang mga pangunahing bilihin salig sa inilabas nilang price guide kamakailan.
Inaasahan ding ilalabas ng DTI ang kanilang desisyon kung pagbibigyan o hindi ang hirit na taas-presyo sa 54 na produkto gaya ng canned goods, processed milk, tinapay, instant noodles, at bottled water para sa food items, gayundin ng ilang brand ng toilet soap, kandila, at baterya para sa non-food items. | ulat ni Jaymark Dagala