Mahigit 6,000 school desks at school supplies ang naihatid ng Naval Forces Western Mindanao sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa Tawi-Tawi.
Ang mga gamit para sa mga estudyante ay ikinarga sa BRP Dagupan City (LS551) sa Polloc Port, Parang, Maguindanao, at inihatid sa Naval Station Juan Magluyan, Bato-Bato, Panglima Sugala, Tawi-Tawi.
Mula roon ay nakipag-cugnayan ang militar sa mga tauhan ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education – BARMM para sa paghahatid ng mga naturang kagamitan sa mga paaralan sa Languyan, Taganak, Mapun, Panglima Sugala, Batu-Batu, at South Ubian.
Sinabi ni Naval Forces Western Mindanao Commander Rear Admiral Donn Anthony L. Miraflor na patuloy na makikipagtulungan ang NFWM sa mga iba’t ibang ahensya ng gubyerno para maghatid ng kaunlaran sa mga “Geographically Isolated Disadvantaged Areas of Western Mindanao” alinsunod sa priority thrust ni Western Mindanao Command (WestMinCom) Commander Lt. Gen. William Gonzales. | ulat ni Leo Sarne
📷: NFWM