Lumagda Memorandum of Agreement ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) at National Dairy Authority para sa pagtatag ng stock farms sa bansa.
Ang stock farms ay para sa produksyon at pagpaparami ng dairy cattle kung saan kasama din sa pasilidad ang processing facility.
Ang mga indigenous cultural communities at indigenous peoples (ICCs/IPs) ang ioorganisa bilang dairy cooperative na siyang recipients ng dairy animals.
Sa pamamagitan ng MOA, bibigyan din ng trabaho ang mga IP bilang workforce sa farm operation.
Ang NDA ang siyang magsasanay sa mga IP para sa pangangasiwa ng farm at sagot din ng ahensya ang suplay ng animal feeds.
Sa ilalim ng kasunduan, sasanayin ang mga kababayang IPs sa dairy farm management, agricultural techniques, milk processing at iba.
Layon ng MOA na itaas ng 5% ang milk sufficiency sa bansa sa pamamagitan ng operational expansion. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes