Pumalo na ngayon sa 443 ang kaso ng mga naputukan sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Sa bilang na ito, nasa 441 ang sugatan dahil sa paputok, isa ang insidente ng paglunok ng Watusi, at isang ‘stray bullet incident’.
Sa 12NN incident report ng Department of Health, halos anim sa bawat 10 kaso ay nagmumula sa NCR (254, 57%).
Kasunod ng NCR sa bilang ng mga may mataas ng kaso ng mga naputukan ay ang Ilocos Region (36, 8%), Central Luzon (35, 8%), at CALABARZON (29, 7%).
97% ang nangyari sa bahay at sa mga lansangan at karamihan ay mga lalaking may aktibong pakikilahok. | ulat ni Michael Rogas