NCRPO, nangakong magpapatuloy ang kanilang manhunt ops sa iba pang miyembro ng Conception Criminal Group

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na magpapatuloy sa kanilang manhunt operations sa iba pang miyembro ng Conception Group dahil sa pagkakapatay ng kanilang leader na si Gilbert Conception sa isang engkwentro sa Parañaque City kamakailan.

Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr., hindi lang dito natatapos ang kanilang trabaho bagkus uubusin na nila ang naturang grupo upang hindi na makapanghasik ng lagim sa publiko.

Kaugnay nito, pinapurihan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang pagkakahuli at pagkamatay ng lider ng grupo na isa sa notorious group leader sa Region 5 ng NCRPO.

Sa huli muli namang iginiit ni Nartates sa publiko na basta’t maayos ang komunikasyon ng publiko at awtoridad sa impomasyon ay mas magiging produktibo ang bawat operasyon. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us