Nananatiling positibo ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa estado ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ito ay matapos na lumago sa 5.6% ang ekonomiya ng bansa sa huling quarter ng 2023.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, kahit hindi naabot ang target ng pamahalaan na 6% hanggang 7%, ngayong 2024 maituturing naman aniya na isa sa “best-performing economies” ang bansa sa Asya.
Paliwanag pa ni Balisacan, mas mataas din ang gross domestic product (GDP) ng bansa nitong huling quarter ng 2023 kumpara sa China na naitala sa 5.2%, at Malaysia na nasa 3.4%.
Tiniyak naman ng NEDA, na patuloy na makikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagpapatupad ng Philippine Development Plan upang mapanatili ang momentum sa paglago ng ekonomiya ng bansa. | ulat ni Diane Lear