Nagpahayag ng suporta si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa pagkakatalaga kay House Deputy Speaker Ralph Recto bilang bagong kalihim ng Department of Finance (DOF).
Sa isang pahayag, ikinalugod ni Balisacan ang pagkakatalaga kay Recto at sinabi nitong masaya siyang makatrabaho ang kalihim sa hinaharap pati na rin ang iba pang mga gabinete upang maipagpatuloy ang paglago ng ekomiya ng bansa para sa kinabukasan ng mga Pilipino.
Nagpasalamat din si Balisacan sa mga naiambag ni dating Finance Secretary Benjamin Diokno katuwang ang Economic Team sa paglago ng ekonomiya ng bansa sa ilalim ng Marcos Administration.
Pormal namang nanumpa sa pwesto si bagong Finance Secretary Ralph Recto sa Malacañang kahapon.| ulat ni Diane Lear