Bukas ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa pagrebyu ng kanilang 25-year legislative franchise.
Ito ay sa gitna ng panawagan ng ilang mambabatas na rebyuhin ang prangkisa ng NGCP kasunod ng nangyaring malawakang blackout sa Panay Island nitong unang Linggo ng Enero.
Ayon sa tagapagsalita ng NGCP na si Atty. Cynthia Alabanza, ang review ay isang healthy part ng anumang sistema.
Gayunpaman, mainam aniyang bigyan rin sila ng sapat na pagkakataon na maipaliwanag ang kanilang panig sa usapin.
Naniniwala aniya si Alabanza na magiging patas ang mataas na kapulungan sa isyung ito at bibigyan sila ng panahon na makapagpaliwanag.
“Of course that is healthy part of any system. Maganda ang review pero again ang aming hinihiling bigyan kami ng sapat na pagkakataon.”- Atty. Alabanza| ulat ni Nimfa Asuncion