Kinumpirma ng Energy Regulatory Commission na nakatalima na ang NGCP sa rekomendasyong inilatag ng interim grid management committee na nag-imbestiga sa nangyaring April 2023 blackout sa Panay Island.
Sa pagdinig ng House Committee on Energy, natanong ang ERC kung ano ang naging resulta ng isinagawa nitong imbestigasyon sa nangyaring power outage sa Panay Island noong nakaraang taon.
Tugon dito ni ERC Chair Monalisa Dimalanta, batay sa isinumiteng report ng NGCP noong Nobyembre, halos lahat ng rekomendasyon ng komite ay nakatalima na sila, maliban sa isa.
Kabilang sa rekomendasyon ang pagkakaroon ng simulation at contingency sakaling magkaroon ng pagpalya sa mga planta kabilang ang undervoltage.
Magkagayunman, pinagsusumite pa rin ng ERC ang NGCP ng mas detalyadong report upang makita ang resulta ng ginawa nilang aksyon sa kada rekomendasyon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes