Ipinagmalaki ng National Housing Authority (NHA) ang mahigit 80,000 pabahay na naitayo sa buong bansa nitong taong 2023.
Kaugnay nito, patuloy pa ang pagsisikap ng NHA na makapaghandog ng pabahay sa mas maraming Pilipino na nangangailangan ng kanilang titirahan.
Sa ilalim ng pamumuno ni NHA General Manager Joeben Tai at gabay ng kanyang Build Better More Housing Program, nangangako ang ahensya na patuloy nitong pauunlarin ang mga programa, serbisyo, at pakikipagtulungan sa mga publiko at pribadong sektor.
Sa pamamagitan nito, makapagpatayo pa ng mas maayos at mas marami pang tahanan para sa mga mamamayan na wqla pang tirahan sa mga darating na taon. | ulat ni Rey Ferrer