Magtatayo ng mahigit 10,000 pabahay ang National Housing Authority (NHA) para sa mga pamilyang nakatira sa gilid ng Pasig River.
Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, ang mga informal settler families ay bibigyan ng prayoridad sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) program ng administrasyon.
Ito’y alinsunod sa Pasig Bigyang Buhay Muli o (PBBM) master plan.
Samantala, makikipagtulungan ang NHA sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Public Works and Highway (DPWH), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Tourism (DOT), Department of Transportation (DOTr), Department of Finance (DOF), Department of Budget and Management (DBM), National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at iba pang ahensya ng pamahalaan para sa ikatatagumpay ng pagpapatupad ng proyekto.
Kamakailan, pinangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at Unang Ginang Louise Araneta-
Marcos ang pagbubukas ng showcase area ng Pasig Bigyan Buhay Muli (PBBM) program sa MacArthur Bridge at Jones Bridge sa Maynila. | ulat ni Rey Ferrer