NHA, naglabas ng guidelines para pabilisin ang disposition ng pabahay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilagdaan na ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai ang isang amendment na magpapabilis sa paggawad ng unawarded lots o units sa iba’t ibang proyektong pabahay nito sa bansa.

Sa ilalim ng Memorandum Circular, ang panahon para sa pagbibigay ng Notice to Apply at aktwal na aplikasyon ng mga benepisyaryo para sa mga naturang lots/units ay pinalawak hanggang katapusan ng Disyembre 2025, upang sila ay mabigyan ng sapat na panahon.

Ang hakbang ng NHA ay alinsunod sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa mga ahensya ng gobyerno na ipatupad ang pagbibigay ng mga serbisyo nito sa mga pamilyang Pilipinong nangangailangan ng tulong.

Sa kasalukuyan, may mga proyektong pabahay ang NHA tulad ng programang pabahay para sa pamilyang naninirahan sa mga lugar na mapanganib, apektado ng Supreme Court Mandamus na linisin ang kahabaan ng Manila Bay; pamilyang apektado ng mga imprastrakturang proyekto ng gobyerno; mga katutubo, mga nagbalik-loob sa gobyerno, kawani ng gobyerno, at mga overseas Filipino worker (OFW).

Kabilang din ang pagbibigay ng bahay at ayuda sa mga nasalanta ng kalamidad, pabahay para sa mga pamilya ng mga sugatan o namatay na sundalo at pulis, tulong relokasyon at tahanan para sa mga lokal na pamahalaan at settlements upgrading. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us